HANDBOOK FOR OFWs BATAS NA

DUTERT SIGNS

ISINABATAS na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Handbook for OFWs Act.

Layunin nito na pagkalooban ng mga handbook ang mga overseas Filipino worker (OFWs) na naglalaman ng kanilang mga karapatan at benepisyo.

Inilabas sa media ng  Punong Ehekutibo ang Republic Act No. 11227 o “Handbook for OFWs Act of 2018” noong Pebrero 22.

Inamyendahan ng bagong batas ang Republic Act No. 8042 o “Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995.”

Layon din ng batas ang empowerment ng mga  manggagawa sa abroad  sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kaalaman ukol sa kanilang mga benepisyo at hirap ng pagtatrabaho sa ibang bansa.

Nakapaloob sa batas ang impormasyon ukol sa kundisyon ng pagtatrabaho at pamumuhay sa bansa na kanilang pupuntahan.

Ang  mga ahensya ng gobyerno na may mandatong ipatupad ang batas ay kinabibilangan ng  Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Foreign Affairs (DFA), Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), Commission on Filipinos Overseas (CFO) at Maritime Industry Authority (MARINA).

Kukunin sa pondo ng POEA ang pondo para sa patuloy na publication, distribution at update ng OFW Handbook.   EVELYN QUIROZ

Comments are closed.