HELLO everyone! Ito po ang AskUrBanker. Tuwing Sabado, ako po ang inyong makakasama, ang inyong Kuya Mark, at ako po ang tutulong sa inyong humanap ng kasagutan sa inyong mga question marks about banking.
Ngayong Sabado, ating pag-uusapan ang tungkol sa handog na hatid para sa ating mga beterano sa tulong ng PENSION LOANS.
Ikaw ba ay isang military veteran? Matagal ka na bang retired, o kare-retire mo lamang? Ang AUB ay lubos na nagpapasalamat sa serbisyong inihandog mo para sa ating bansa. Sa dami ng taon na iyong inilaan upang pagserbisyuhan ang ating bansa, tandaan mo na kaagapay mo ang AUB lalo na at ikaw ay isang retirado na.
Naiisip mo bang magpatayo ng isang maliit na negosyo o kinakailangan mo ba ng additional funds para sa iyong mga check up at pagbili ng gamot? Nais mo bang tumulong sa pagpapaaral ng iyong mga apo? Kung ang pensiyon na natatanggap mo kada buwan ay kulang pa para sa iyong personal na pangangailangan, marahil ay hirap ka ring tumulong sa pamilya o mag-ipon para sa sariling negosyo.
Alam kong nais mong gawin ang mga ito ngunit maliit lamang ang iyong monthly pension kaya naman sa tulong ng AUB, maaari ka nang umutang sa pamamagitan ng PVAO Pension Loan!
Ang PVAO Pension Loan ng AUB ay isang loan program para sa inyong mga beterano. Depende sa buwanang pension mo, maaari kang makautang hanggang P300,000. Hindi mo na kailangang mag-alala sapagkat sa pamamagitan ng PVAO Pension Loan program ng AUB, maaari mo nang makamit ang iyong pangarap na maliit na negosyo, at maaari ka na ring makatulong sa iyong mga kapamilya. Pumunta ka lamang sa kahit na anong AUB branch upang makapag-apply ng PVAO Pension Loan.
Para sa karagdagang detalye, mag-AskUrBanker na!
Alamin din ang iba’t iba pang products at services ng AUB sa www.aub.com.ph o kaya naman ay i-follow ang AUB sa Facebook (AUB.official) o sa Twitter/Instagram at Youtube (AUBofficialph).
Remember, it is always best to AskUrBanker! Hanggang sa susunod.