(Handog ng PCG sa National Women’s Month) LIBRENG SAKAY SA MGA KABABAIHAN

PCG

LIBRENG sakay para sa mga kababaihan at transgender women  ang handog ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong buwan ng Marso.

Ito ay kasunod ng selebrasyon ng National Women’s Month.

Ayon sa PCG, ilulunsad ang “ARANGKADA: Libreng Sakay Para kay Juana” sa darating na Lunes, Marso 9.

Sa pamamagitan ng Coast Guard Gender and Development Office, magkakaroon ng libreng sakay papunta at mula sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), Mall of Asia (MOA), Anda Circle, at Port Area tuwing araw ng Lunes at Biyernes sa buong buwan ng Marso.

Anang PCG, opisyal na magsisimula ang libreng sakay sa Lunes mula alas-6 hanggang alas-7 ng umaga sa PITX bilang point of origin sa pang-umagang iskedyul at ala-5:30 hanggang alas-6:30 ng hapon naman ang libreng sakay mula Port Area at Anda Circle bilang point of origin sa pang-hapon na iskedyul.

Sinabi ng PCG na walang kailangang ipri­sintang ID para makapag-avail ng libreng sakay.

Dagdag ng ahensiya, sakaling mayroong nalalabing upuan, maaari ring makapag-avail ang mga lalaki ng libreng sakay.