HANDYMAN BUSINESS, HUSAY AT SIPAG LANG KIKITA NA

KUNG bakit ba naman lagi na lamang may dapat kumpunihin sa bahay. Sira ang tubo ng tubig, pumutok ang fuse, tumutulo ang bubong, umapaw ang kanal, at kung anu-ano pa. Kung kaya mong gawin yan, pwede kang magnegosyo, kikita ka.

Kadalasan, mga kaibigan ang tumatawag sa’yo para gumawa ng maliliit na trabaho sa kanilang bahay na hindi nila kayang gawin o wala silang panahong gawin. Minsan, may bayad, kung minsan naman, thank you lang sapat na. Pero sa panahong ito, hindi na talaga uso ang thank you dahil panahon ng pandemya. Kailangan ng lahat ang pera para sa pamilya.

Para pakinabangan ang kakaiba mong talent, maglagay ka ng karatula sa harap ng bahay mo na may contact numbers. Pwede ka ring mag-advertise sa Facebook, pero mas maganda kung may sarili kang website para masabi mo kung ano ang mga kaya mong gawin. And, sana rin dalawa ang cellphone mo para nakahiwalay ang contacts sa trabaho at mga kaibigan at kamag-anak.

Maglagay ka rin ng fixed price para sa mga serbisyo mo para hindi na sila magtanong kung magkano ba. Maglagay rin ng working time – kunwari, 8:00 am to 5:00 pm lang, o kahit anong oras o araw pwede. – KAYE NEBRE MARTIN