(Hangad ni BBM na matupad) PANGAKONG P20 KADA KILO NG BIGAS

HANGAD ni President elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na matupad ang kanyang ipinangako noong kampanya na maibaba sa P20 ang kada kilo ng bigas.

Sa pagtatanong sa kung ano ang gagawin ng kanyang administrasyon, sinabi ni Marcos na isasakatuparan nito sa pamamagitan ng pagbuo ng price tag at pagbuo sa value chain.

Sinabi nito na unang hakbang dito ay panatilihin na lamang ng ilang buwan ang presyo ng bigas.

Patuloy ang pakikipag-usap ni Marcos sa mga trader ukol dito.

Samantala, nababahala si Marcos sa tumatandang populasyon ng mga magsasaka sa bansa.

Ayon kay Marcos, dapat tugunan ang isyung ito lalo’t ang mga magsasaka sa bansa ngayon ay nasa edad 56 hanggang 57.

Ang solusyon aniya rito ay ang pagkakaroon ng mga bagong teknolohiya o industrial farming.

Samantala, iginiit naman ni Marcos ang kanyang pag-aalinlangan sa ratipikasyon ng mega trade deal kung saan kabilang sa mga signatory ang Pilipinas.

Sinabi nito na pag-aaralan pa nila kung papaano ito makaaapekto sa sektor ng agrikultura ng bansa. Beth C