(Hanggang 12% annually isinusulong) CREDIT CARD INTEREST RATE CAP

Rep Bernadette Herrera-5

BINIGYANG-DIIN ng isang ranking lady House official ang pangangailangang limitahan ang ipinapataw na interest rate sa credit cards, gayundin sa consumer loans na ipinagkakaloob ng iba’t ibang bangko sa gitna ng nararanasang pandemya.

Inihayag ni Deputy Speaker at Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera ang kanyang pagsuporta sa inihaing House Bill no. 7967 ni Bataan Rep. Geraldine Roman, na naglalayong magpatupad ng ‘cap’ o maximum interest rate na maaaring singilin ng lahat ng credit card at consumer loan providers sa bansa.

“It is high time that we put an end to predatory and abusive lending practices, which have been among the greatest threats to Filipino families working to achieve financial security,” pahayag ng lady partylist lawmaker.

“It is unfortunate that even during the pandemic, these banks and lending companies abuse the humble worker and entrepreneur, obligating them to pay high interest rates and penalties for late payments,” dagdag pa niya.

Sa ilalim ng HB 7967, nais ni Roman na maamyendahan ang Usury Law, partikular ang pagkakaroon ng probisyon kung magkakaroon ng maximum interest rate sa credit card charges at iba pang cash advance arrangements na hanggang 12 percent annually lamang o kaya ay base sa itatakda ng Monetary Board (MB) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), kaakibat ang mas mahigpit na panuntunan.

“The limitation on the Monetary Board-set rate on loan, forbearance agreements, and credit card charges is not more than the three percentage points higher than the rate of 91-day treasury bills in the quarter preceding the monetary board’s imposition of the said maximum rate,” nakasaad pa sa nasabing panukala.

Sakaling ganap na maging batas, ang sinumang lalabag ay mahaharap sa kaparusahang pagkakakulong ng hindi hihigit sa 12 taon o multa na hanggang P5 milyon o pareho, base sa desisyon ng korte.

Bukod dito, ang nahatulan ay aatasan ding ibalik ang buong halaga ng nasingil nito na interest sa complainant o biktima, gayundin ang lahat ng ginastos ng huli sa pagdinig ng kaso. ROMER R. BUTUYAN

2 thoughts on “(Hanggang 12% annually isinusulong) CREDIT CARD INTEREST RATE CAP”

Comments are closed.