Hanggang Abril 17 na lang – BIR HINDI na palalawigin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang April 17 deadline ng paghahain ng annual income tax returns at pagbabayad ng buwis.
Sa isang statement, pinaalalahanan ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang mga taxpayer na mayroon silang hanggang Lunes para magbayad ng buwis.
“We are all partners in nation-building,” aniya. “Timely payment of taxes results in immediate funding of priority government programs.”
“There will be no extension,” dagdag pa niya. “The deadline for filing and payment of our 2022 AITRs is on the 17th day of April 2023, Monday.”
Sinabi pa ni Lumagui na walang dahilan para hindi makasunod ang mga taxpayer dahil mas pinasimple at pinadali ang mga proseso.
Hinikayat niya ang mga taxpayer na samantalahin ang “File and Pay Anywhere” setup, na nagpapahintulot sa kanila na bayaran ang kanilang buwis bago ang deadline kahit sa labas ng hurisdiksiyon kung saan sila nakarehistro.
Idineploy na rin ang BIR Tax Assistance Centers magmula noong Marso para tulungan ang mga taxpayer sa pagbabayad ng kanilang buwis “electronically”.
“There is no reason for an extension because any delay in the filing and payment of taxes will result in inadequate funding of government programs,” sabi ni Lumagui.
“Filing and payment beyond the set deadline will be grounds for charging taxpayers with corresponding interests, surcharges, and compromise penalties,” dagdag pa niya.