(Hanggang Abril 30) LIBRENG SAKAY SA MRT TULOY-TULOY 

MRT-3

NAGPAPATULOY ang libreng sakay sa MRT-3 na tatagal hanggang Abril 30.

Nabatid na umakyat na sa tatlo ang bilang ng mga 4-car CKD train sets na tumatakbo sa linya ng MRT-3 simula noong Lunes na unang araw ng balik-operasyon matapos ang maintenance shutdown ng linya nitong Semana Santa.

Ayon sa pamunuan ng MRT, patuloy nilang ipinatutupad ang minimum health protocols sa buong linya, gaya ng pagbabawal sa pagkain, pag-inom, pakikipag-usap sa telepono, at pagsasalita sa loob ng mga tren.

Bukod dito, mahigpit ding ipinatutupad ang pagsusuot ng face mask habang nananatiling boluntaryo ang paggamit ng face shield.

Ang MRT-3 na bumabaybay sa kahabaan ng EDSA, ang nagdurugtong sa North Avenue, Quezon City hanggang Taft Avenue, Pasay City.DWIZ 882