(Hanggang Agosto 31) TRAVEL BAN SA 10 BANSA PINALAWIG PA

Harry Roque

PINALAWIG ng Pilipinas ang restrictions nito sa mga biyahero mula sa 10 bansa ng 15 pang araw upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 Delta variant.

Ayon kay Inter-Agency Task Force spokesperson Harry Roque, ang travel ban sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Thailand, Malaysia at Indonesia ay iiral hanggang Agosto 31.

Ang ban ay magtatapos na sana noong Hulyo 31, subalit ilang beses itong pinalawig  ng pamahalaan.

Hanggang kahapon ay may 627 kaso na ng Delta variant ang naitala sa bansa matapos madagdag ang 177 bagong kaso.

Sa mga bagong kaso, 154 ang local cases, tatlo ang returning overseas Filipinos, at 30 iba pa ang bineberipika.

Nasa 90 sa 144 local cases ng Delta variant sa bansa ang may address sa Metro Manila, 25 sa Calabarzon, 16 sa Cagayan Valley, 8 Ilocos Region, tig-2 sa Cordillera Administrative Region at Western Visayas, at 1 sa Davao Region.

3 thoughts on “(Hanggang Agosto 31) TRAVEL BAN SA 10 BANSA PINALAWIG PA”

Leave a Reply

Your email address will not be published.