(Hanggang Hulyo 31, 2024) VISA-FREE ENTRYNG MGA PINOY SATAIWAN EXTENDED

VISA-1

PINALAWIG ng Taiwan ng isa pang taon ang visa-free entry policy nito para sa mga Pilipino, simula Agosto 1 hanggang Hulyo 31, 2024.

Ang anunsiyo ay ginawa ng Taiwan Ministry of Foreign Affairs noong Biyernes sa gitna ng pagsisikap nitong maibalik ang pre-pandemic tourism figures.

“After evaluating the effectiveness of the above convenience measures over the past years and considering the need to revive mutual bilateral exchanges and tourism in the post-pandemic era, participating agencies decided to extend the trial visa-free entry measure for one year for nationals of Thailand, Brunei, and the Philippines from August 1, 2023, to July 31, 2024,” pahayag ng MOFA.

Ayon sa ministry, ang mga Pilipino ay eligible para sa visa exemption program at maaaring manatili sa loob ng 14 araw. Ang mga may hawak ng diplomatic o official at service passports ay hindi eligible.

Dagdag pa nito, ang Philippine passport holders ay kailangan ng mga sumusunod na requirements: Proof of accommodation (hotel) booking, host / sponsor’s contact information at sufficient travel funds.

Magugunitang ibinalik ng Taiwan ang visa-free entry policy para sa Pilipinas noong Set. 29 ng nakaraang taon hanggang Hulyo 31, 2023.

Sinabi ng MOFA na ipagpapatuloy nito ang pagrebyu at pagsasaayos sa visa policies, sa layuning mapalakas ang bilateral exchanges at makaakit ng mas maraming bisita habang sinisuguro ang border at public security.