(Hanggang Hulyo na lang) LIBRENG SAKAY NG ILANG PUJ, BUS SA NCR

MAGTATAPOS na sa Hulyo ang libreng sakay sa ilang public utility jeepney (PUJ) at bus sa Metro Manila sa ilalim ng service contracting program ng pamahalaan, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa datos ng LTFRB, nasa 146 public utility jeepney (PUJ) cooperatives at corporations sa Metro Manila ang titigil na sa pagbibigay ng libreng sakay sa Hunyo 30.

“For the buses, Busway will end by July pa as well as Commonwealth Route 7 bus from Montalban to Quezon Avenue,” wika ni LTFRB Executive Director Tina Cassion.

Sinimulan ng EDSA Busway Carousel noong Abril 11 ang pagkakaloob ng libreng sakay sa ilalim ng third phase ng service contracting program ng Department of Transportation (DOTr).

Sa ilalim ng service contracting program, ang public utility vehicle (PUV) operators at drivers na lalahok sa free ridership program ng pamahalaan ay tatanggap ng one-time payout at weekly payments base sa bilang ng kilometro na kanilang ibiniyahe kada linggo, may pasahero man sila o wala.

Ang mga ruta para sa free ride program sa PUVs, tulad ng modern at traditional jeepneys, UV Express, at buses, ay pinalawak sa buong bansa noong Abril.

Ayon sa DOTr, ang programa ay binigyan ng P7-billion wwbudget sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) of 2022, para sa initial 515 buses mula sa 532 units na nakarehistro sa programa.