(Hanggang kahapon na lang) ITR FILING WALANG EXTENSION

BIR-30

HINDI na palulugitan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang deadline sa paghahain ng income tax return o ITR.

Ang huling araw ng pagbabayad ng buwis ay kahapon, Huwebes.

Ayon sa BIR, hindi na maaaring maantala ang pangongokleta ng buwis mula sa ITR dahil kailangan ng pamahalaan ng karagdagang pondo para sa mga programa laban sa COVID-19.

Target ng ahensiya na makakolekta ng P2.08 trillion.

Magugunitang noong unang linggo ng Abril ay naglabas ang BIR ng Revenue Memorandum Circular number 46-2021 na nag-sasaad ng deadline na April 15, 2021 para sa paghahain ng Annual Income Tax Return o AITR para sa taxable year na hanggang Disyembre 31, 2020.

Maaari namang magkaroon ng corrections ang mga nakapaghain na ng kanilang tentative returns na walang multa bago dumating ang Mayo 15.

Kung sobra ang naging bayad ay maaari ring humingi ng refund ang taxpayer na puwedeng ma-credit sa mga susunod na pagbabayad ng buwis.

6 thoughts on “(Hanggang kahapon na lang) ITR FILING WALANG EXTENSION”

  1. 687009 583180This is sensible info! Where else will if ind out a lot more?? Who runs this joint too? sustain the excellent function 54259

Comments are closed.