HABANG isinusulat ito ay pumalo sa 340 ang bilang ng mga nabiktima o nasabugan ng paputok at ilan ang nasawi.
Hindi na bago ang paalala o babala ng pag-iingat laban sa paggamit ng mga bawal o ilegal na paputok.
Sadya lamang marami pa rin matitigas ang ulo at walang kadala-dala kahit na disgrasya ang naghihintay sa kanila.
May paniwala kasi ang iba na ang paggamit ng paputok ay makapagtataboy ng malas.
Ayon sa Health Department, ang pangunahing injury na natamo ng mga biktima ng paputok ay eye injury, pagkaputol sa bahagi ng katawan at sunog sa balat dahil sa ilegal na paputok tulad ng boga, 5-star at piccolo.
Magandang balita na bumaba ng 64% ang bilang ng mga biktima ng paputok sa 2024 hanggang sa pagsampa sa bagong taong 2025, subalit mayroon pa ring nakitil ang buhay dahil sa katigasan ng ulo.
Hanggang kailan matututo ang publiko?