(Hanggang Marso 13) PETRO GAZZ MAY ROLBAK SA PETROLYO

MAY bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang Petro Gazz simula kahapon, Huwebes.

Ayon sa kompanya, nasa P3.60 kada litro ang rolbak sa gasolina at P5.85 kada litro sa diesel hanggang Linggo, Marso 13.

Layon nito na maibsan ang epekto ng walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo na inaasahang magpapatuloy pa  sa mga susunod na linggo sa gitna ng Russua-Ukraine conflict.

Noong Martes, nagpatupad ang mga kompanya ng langis ng mula P3 hanggang P5 dagdag-presyo sa kada litro ng petrolyo.

Ang presyo ng kada litto ng gasolina ay tumaas ng P3.60, diesel ng P5.85, at kerosene ng P4.10.

Ito na ang ika-10 sunod na linggo na may oil price increase.

Ngayong taon, ang presyo ng kada litro ng diesel ay tumaas na ng kabuuang P11.65 , gasolina ng P9.65, at kerosene ng  P10.30.