PINALAWIG ng pamahalaan ang deadline para sa paghahain ng income tax returns (ITR) hanggang May 15, 2020 bilang tugon sa panawagan makaraang isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang buong Luzon.
Sa ilalim ng Revenue Memorandum Circular (RMC) 28-2020 na may petsang March 18, ipinag-utos ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Caesar Dulay ang one-month extension na walang penalties sa taxpayers.
“This emergency measure is being offered to provide relief to Filipino taxpayers who will not be able to prepare, let alone file, the necessary ITR documents on or before the original annual deadline of April 15 because of skeletal workforce arrangements and enhanced community quarantine rules that the national government has implemented to contain the pandemic,” pahayag ng Department of Finance (DOF).
Samantala, sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na nauunawaan ng gobyerno ang sitwasyon sa harap ng ‘extraordinary conditions’ na kasalukuyang kinakaharap ng bansa sa gitna ng kampanya nito laban sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
“While the Office of the President is confident that our revenue officers would still be able to meet their tax collection targets, it also calls on everyone to do their patriotic duty of paying their taxes faithfully, once the situation enables them,” ani Panelo.
Ang anunsiyo ay ginawa ng DOF kasunod ng mga panawagan kapwa mula sa pribado at pampublikong sektor.
Comments are closed.