(Hanggang Mayo 30) LIBRENG SAKAY SA MRT-3 PINALAWIG

MRT-3

INIHAYAG ng pamunuan ng Metro Rail Transit-3 ang pagpapalawig sa libreng sakay sa MRT-3 hanggang Mayo 30, 2022.

“To continue providing assistance to the riding public in their commuting needs, the MRT-3 management and the Department of Transportation (DOTr) have decided to extend for another month the implementation of the free ride or Libreng Sakay program in MRT-3,” sabi ng MRT-3 sa isang post sa Facebook.

Nagsimula ang libreng sakay noong Marso 28 at matatapos sana sa Abril 30.

“Passengers will be able to continue enjoying free rides at the rehabilitated MRT-3 line until 30 May 2022, anytime between the rail line’s operating hours from 4:40 a.m. and 10:10 p.m.,” dagdag ng MRT-3.

Ayon sa MRT-3, umabot na sa 7,227,434 pasahero ang nakinabang sa programa.

Ang extension ay magbibigay-daan din sa MRT-3 management na masubukan pa ang capacity at  performance nito sa pagsasakay ng mahigit 350,000 pasahero kada araw.

Makaraang matapos ang rehabilitasyon ng MRT-3, ang mga tren nito ay tumatakbo na ngayon sa maximum speed na 60 kilometers per hour— pinabilis ang oras sa pagitan ng mga tren sa  3.5 hanggang 4 minuto mula sa dating 8.5 hanggang 9 minuto. LIZA  SORIANO