(Hanggang Mayo 30 pa) TAX FILING MULING  PINALAWIG

Arnel Guballa

PINALAWIG pa ang lahat ng tax-related deadlines na itinakda ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Mayo 30 makaraang i-extend ang Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa, sakop ng  extension ang paghahain, pagsusumite at pagbabayad na may kinalaman sa buwis.

“Since na-extend ‘yung lockdown, in-extend din ng BIR ang lahat ng mga obligations ng taxpayers natin sa pagpa-file, sa pagbabayad, at tsaka sa pagsa-submit,” wika ni Guballa sa Laging Handa virtual briefing kahapon.

“Ang pinakaimportanteng feature, ‘yung annual ITR (income tax return) natin na magdu-due ng April 15, na-extend siya hanggang May 30 so ‘yung ating mga kababayan, mga individual, at tsaka mga korporasyon, na-extend din po hanggang May 30 na magbayad sila ng kanilang annual filing ng income tax,” dagdag pa niya.

Pinalawig ng pamahalaan ang ECQ sa buong Luzon hanggang Abril  30 mula Abril 13.

Nauna nang pinalawig ng BIR ang paghahain  ng ITR hanggang May 15 bilang tugon sa mga kahilingan sa harap ng ipinatutupad na ECQ.

Comments are closed.