INIHAYAG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pansamantalang papayagan nila ang mga provincial bus na dumaan ng EDSA mula nitong Oktubre 26 hanggang Nobyembre 6.
Ayon kay MMDA Dir. Atty. Victor Nunez, ngayon peak days ay papayagan ang mga provincial bus sa EDSA mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.
Invalid muna ng ahensya ang pagbabawal sa mga provincial buses upang mabigyang-daan ang inaasahang mataas na bilang ng mga pasaherong pupunta sa mga lalawigan ngayon holiday.
Layon nito na matiyak ang kaginhawahan ng commuters.
Ayon pa kay Atty. Nuñez, kung masusubaybayan ng MMDA na magaan ang daloy ng trapiko, papayagan silang pumasok sa EDSA ng “round the clock”.
Matatandaan na ipinatupad na ng MMDA ang ganitong patakaran nitong nakaraang Semana Santa at Pasko ng nakaraang taon.
Una nang ipinagbawal ng gobyerno ang provincial buses sa EDSA mula noong 2019 at inutusan ang mga operator na mag pick at drop off ng mga pasahero sa Valenzuela City at Sta Rosa, Laguna lamang. EVELYN GARCIA