(Hanggang noong Hunyo 2022) UTANG NG PH LUMOBO SA P12.79-T

PUMALO na sa P12.79 trillion ang utang ng Pilipinas hanggang noong katapusan ng Hunyo 2022 o first half ng taon, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

Ang numero ay mas mataas sa P12.76-trillion na naitala noong Abril at sa P12.5-trillion noong Mayo.

Sa isang statement, sinabi ng BTr na ang utang ng bansa ay tumaas ng 2.4 percent noong Hunyo dahil sa net issuances ng domestic at external loans, gayundin sa currency adjustments.

Sa kabuuang utang, 31.5 percent ang foreign debt habang ang 68.5 percent ay domestic borrowings.

Sa datos ng BTr, ang domestic borrowings ay umabot sa P8.77 trillion o mas mataas ng 12 percent kumpara noong Mayo, habang ang external debt ay pumalo sa P4.02 trillion na tumaas ng 5.1 percent.

Ang pagtaas sa external debt ay sanhi ng epekto ng paghina ng piso kontra USD na nagkakahalaga ng P186.94 billion.

“Net availment of external financing also offset the effect of the net depreciation against the US dollar on third-currency denominated obligations,” ayon sa ahensiya.

Ayon pa sa datos, ang external debt ay tumaas ng 7.3 percent mula sa end-December 2021 level.

Nauna nang sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na hindi na kailangang mangutang ang bansa ng ganoong kalaki dahil patuloy na nakakarekober ang bansa mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Ang bansa ay umutang nang malaki sa nakalipas na dalawang para tugunan ang pandemya. Ang numero ay mas mataas sa P12.76-trillion na naitala noong Abril at sa P12.5-trillion noong Mayo.

Sa isang statement, sinabi ng BTr na ang utang ng bansa ay tumaas ng 2.4 percent noong Hunyo dahil sa net issuances ng domestic at external loans, gayundin sa currency adjustments.

Sa kabuuang utang, 31.5 percent ang foreign debt habang ang 68.5 percent ay domestic borrowings.

Sa datos ng BTr, ang domestic borrowings ay umabot sa P8.77 trillion o mas mataas ng 12 percent kumpara noong Mayo, habang ang external debt ay pumalo sa P4.02 trillion na tumaas ng 5.1 percent.

Ang pagtaas sa external debt ay sanhi ng epekto ng paghina ng piso kontra USD na nagkakahalaga ng P186.94 billion.

“Net availment of external financing also offset the effect of the net depreciation against the US dollar on third-currency denominated obligations,” ayon sa ahensiya.

Ayon pa sa datos, ang external debt ay tumaas ng 7.3 percent mula sa end-December 2021 level.

Nauna nang sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na hindi na kailangang mangutang ang bansa ng ganoong kalaki dahil patuloy na nakakarekober ang bansa mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Ang bansa ay umutang nang malaki sa nakalipas na dalawang para tugunan ang pandemya.