(Hanggang noong Pebrero) UTANG NG PINAS P10.4-T NA

bureau of the treasury-3

PUMALO na sa mahigit P10.4 trillion ang total outstanding debt ng Filipinas hanggang noong Pebrero, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

Anang ahensiya, nasa P78.37 billion ang nadagdag sa utang ng bansa dahil sa net financing mula sa local at external sources at currency fluctuations.

“Of the total debt stock, 29 percent were sourced externally while 71 domestic are domestic borrowings,” ayon sa BTr.

Ang domestic debt ay nagkakahalagang P7.36 trillion, o mas mataas ng P37.51 billion kumpara sa end-January level kung saan humiram ang pamahalaan ng mas malaking halaga mula sa domestic sources.

Magmula sa pag-uumpisa ng taon, ang domestic debt ay tumaas ng P668.38 billion o 10 percent.

Samantala, ang foreign debt ng bansa ay pumalo sa P3.042 trillion noong Pebrero. Ang Filipinas ay patuloy sa pangungutang para tustusan ang COVID-19 response nito.

Comments are closed.