(Hanggang sa Abril 8) PRICE CAP SA BABOY, MANOK EXTENDED

William Dar

PINALAWIG ng Department of Agriculture (DA) ang pag-papatupad ng price ceiling para sa baboy at manok hanggang sa susunod na buwan para makontrol ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin lalo’t patuloy ang pagbilis ng inflation rate.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, ang price cap para sa baboy at manok ay mananatili hanggang Abril 8.

“Lifting it will result in a rise in prices given that the African swine fever crisis is still raging and continues to impact production nationwide,” ani Dar.

Noong nakaraang buwan ay ipinag-utos ni Presidente Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng price cap sa mga karne sa Metro Manila.

Ang price ceiling sa kasim at pigue ay P270 kada kilo habang sa liempo naman ay P300 kada kilo. Nasa P160 kada kilo naman ang price ceiling ng manok.

“The current retail prices of basic necessities in the National Capital Region such as pork and chicken have increased significantly, causing undue burden to Filipinos, especially the underprivileged and marginalized,” nakasaad sa Executive Order No. 124 ni Duterte.

Sa kabila ng price cap ay bumilis pa rin ang inflation sa bansa sa 4.7 percent noong Pebrero. Mas mataas ito sa 4.2 percent na naitala noong Enero at halos doble ng 2.6 percent sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.

Sinabi naman ng Malakanyang na kumikilos na ang pamahalaan para mapahupa ang inflation.

“We are intensifying efforts to ease inflation through immediate interventions… We have implemented pro-active measures,” sabi ni Presidential spokesperson Harry Roque.

One thought on “(Hanggang sa Abril 8) PRICE CAP SA BABOY, MANOK EXTENDED”

Comments are closed.