KAUGNAY sa selebrasyon ng ika-157 anibersaryo ng lungsod ng Pasay ay inilunsad ng ang lokal na pamahalaan ang libreng sakay para sa mga residente ng lungsod mula noong Miyerkules (Disyembre 2) hanggang Disyembre 30.
Sinabi ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, ang ruta ng programang “Libreng Sakay” ng lokal na pamahalaan ay magsisimula sa SM Mall of ASIA (MOA) hanggang SM Manila at balikan na dadaan sa Pasay City Hall at sa opisina ng National Bureau of Investigation (NBI).
Sinabi ni Calixto-Rubiano na ang pagbibigay ng libreng sakay sa shuttle ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pakikipag-partner ng lokal na pamahalaan kay Global Electric Transportation Services (GETS) President at dating mayor at congressman ng Taguig na si Sigfried “Freddie” Tinga na nagbigay ng tatlong electronic jeepneys (e-jeeps) para sa kaginhawahan ng mga mananakay na residente sa lungsod.
Dagdag pa ni Calixto-Rubiano, ang mga e-jeepneys na normal na nakapagsasakay ng aabot sa 30 pasahero ay 15 na lamang ang papayagang makasakay na mga nakasuot ng face mask at face shield na requirements sa health protocols dahil na rin sa COVID-19 pandemic.
Samantala, ang lokal na pamahalaan ay nagsagawa rin ng kauna-unahang virtual job fair kung saan aabot sa 3,500 aplikante ang makakapagtrabaho sa iba’t-ibang bakanteng posisyon mula sa limang kompanya.
Ayon pa kay Calixto-Rubiano,a ng limang kompanya na lumahok sa unang virtual job fair ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ng Pasay Employment and Service Office (PESO) ay ang Bench, RC Cola, Meralco, Concentrix at Placer 8. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.