TINIYAK kahapon ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang magiging pagtaas sa presyo ng basic goods hanggang sa katapusan ng taon.
“First and foremost, for the prices for basic necessities, no price increase until the end of the year,” pahayag ni DTI Secretary Maria Cristina Aldeguer-Roque sa isang press briefing sa Malacañang.
“And then for the Noche Buena, more than 50 percent, the price will remain the same as last year. And ‘yung mga iba, they just increased but less than five percent,” dagdag pa niya.
Nilinaw rin ni Roque na ang minor price increases sa ilang commodities ay ipinatutupad na.
Aniya, ang price hike na ito ay kumakatawan sa unang adjustments magmula noong nakaraang taon.
Ipinaliwanag ni Roque na ang mga pagtaas na ito ay kinakailangan para mapunan ang tumataas na halaga, partikular sa imported goods.
Tiniyak naman ng kalihim na napakaliit lamang ng mga pagtaas na ito upang hindi mabigatan ang mga consumer.
“Actually, there was no price increase since last year. So, of course, prices — some are imported products have already increased. So, they decided to request if they could increase,” ani Roque.
“So that at least, kahit papaano, our consumers will have, of course, a very merry Christmas and a happy new year. And not too much of increase also,” dagdag pa niya.