HANGING MAY LASON NA UNTI-UNTING PUMAPATAY

SA kabila ng rehabilitasyon sa Manila Bay, hindi pa rin nawawala ang katotohanang “polluted” o marumi pa rin.

Ang totoo, hindi lang ang mga ilog at daluyan ng tubig sa Metro Manila ang marumi kundi pati na rin ang hangin.

Bago nagkaroon ng pandemya, dahil sa sobrang dumi ng hangin, marami nang nangangamba sa mga taga-Metro Manila na baka magkaroon sila ng iba’t ibang sakit.

Paano naman kasi, araw-araw, ang nalalanghap nilang hangin ay may lason.

Aba, madalas ay nababalot ng smoke at fog (smog) ang kapaligiran ng Metro.

Ang masaklap nga, nalalanghap ito ng mga mamamayan.

Noon pa raw ay may ganyang dumi na sa hangin.

Hindi lang daw siguro nabibigyang-pansin.

Sabi nga, kapag hindi napigilan ang smog, malaki ang magiging problema ng mga mamamayan sa kanilang kalusugan.

At hindi pa man pumuputok ang health crisis sa mundo, pinapayuhan na ng mga eksperto ang mga Pinoy, lalo na ang mga taga-Metro Manila, na kailangang mag-face mask dahil sa malubhang air pollution.

Ang mga malalaking kalsada raw na kinabibilangan ng EDSA, Taft Avenue, Quezon Avenue, C5 at iba pa ay grabe ang polusyon.

Noong wala pa kasing limitasyon sa mga biyahe, sa mga kalsadang ito yumayaot ang mga pampublikong sasakyan gaya ng mga dyipni.

Hindi lang naman daw sa Pilipinas marumi ang hangin kundi maging sa halos lahat ng bansa sa mundo.

Kaya nangako ang airlines ng “net zero” carbon emissions sa 2050 kahit pa nangangahulugan ito daw nang pagkalugi.

Binitiwan ng airlines ang pangako sa harap ng napipintong United Nations Climate Change Conference (COP26) sa Britanya.

Sa pakikipagpulong ni Willie Walsh, director general ng International Air Transport Association (IATA), sa top airline executives, inamin niyang hindi biro ang commitment na ito ng mga kompanya.

Ang mahalaga aniya ay malaya pa ring makakalipad sa hinaharap ang mga susunod na henerasyon.

Ang IATA ay kumakatawan sa 290 member airlines na kinabibilangan ng 82 porsiyento ng pre-pandemic global air traffic.

Ayon sa IATA, ang una nilang plano ay ibsan ang airline CO2 emissions ng 50 porsiyento sa 2050.

Kung hindi ako nagkakamali, ganyan din ang emissions goals ng European Union (EU).

Tinatayang nagmumula sa airline industry ang tatlong porsiyento ng global emissions.

Para nga lang maabot ang net zero goal, kailangan na raw nitong simulan ang paggamit ng renewable jet fuel, iba pang efficiency improvements, at paggamit ng carbon capture storage at offsets.

Nakakalungkot isipin na may kinakaharap na ngang health crisis ang mundo ay nariyan pa ang polusyon sa hangin.

Hindi na raw ligtas tirahan ang Metro Manila dahil sa air pollution.

Mismong ang mga eksperto na rin noon mula sa University of the Philippines (UP) ang nagsabi na ilang taon na lang daw ay hindi na maaaring tirahan ang Metro dahil sobrang dumi na ng hangin.

Nagkaroon pa nga minsan ng ranking sa 230 lungsod sa buong mundo na gustong tirahan o puntahan ng mga dayuhan kung saan nalugmok ang Metro o Maynila sa ika-136 na puwesto dulot ng air pollution.

Siyempre, mas gusto ng mga dayuhan na puntahan ang mga lugar na malinis ang hangin tulad ng Singapore at Vienna, Austria.

Nawa’y magtulong-tulong naman ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Transportation (DOTr), at Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa implementasyon ng Clean Air Act.

Naisabatas ito noon pang 1999 pero wala pa ring ngipin hanggang ngayon.

Sabi nga, ang batas ay katulad din ng iba pang batas sa bansang ito na matapos pagdebatehan at gastusan ay hindi maipatupad nang maayos ng implementing agencies.

Aba’y kung hindi kikilos ang mga ahensiya ng gobyerno, baka nga hindi na angkop tirahan sa hinaharap ang Kalakhang Maynila.

257 thoughts on “HANGING MAY LASON NA UNTI-UNTING PUMAPATAY”

  1. Definitive journal of drugs and therapeutics. Medicament prescribing information.
    https://mobic.store/# can you buy mobic without insurance
    Get information now. Prescription Drug Information, Interactions & Side.

  2. Everything what you want to know about pills. What side effects can this medication cause?
    https://edonlinefast.com non prescription ed pills
    drug information and news for professionals and consumers. Medscape Drugs & Diseases.

  3. Definitive journal of drugs and therapeutics. Cautions.
    https://canadianfast.com/# prescription drugs online without doctor
    Learn about the side effects, dosages, and interactions. Learn about the side effects, dosages, and interactions.

  4. drug information and news for professionals and consumers. Read now.
    purchase generic viagra
    drug information and news for professionals and consumers. drug information and news for professionals and consumers.

  5. Learn about the side effects, dosages, and interactions. Top 100 Searched Drugs.
    tadalafil 20mg uk
    Read now. Learn about the side effects, dosages, and interactions.

  6. Some are medicines that help people when doctors prescribe. Everything information about medication.
    cialis payment paypal
    Learn about the side effects, dosages, and interactions. Medscape Drugs & Diseases.

Comments are closed.