NALUGI ang mga magsasaka ng palay sa 18 barangay sa Bago City, Negros Occidental na umaabot sa PHP11.28 million na pinsala sa mga pananim dahil sa Tropical Storm Hanna, ayon sa report ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) na ini-release kamakailan.
Sa pahayag ni Provincial Agriculturist Japhet Masculino na ang sakahan na apektado ng southwest monsoon o “habagat” na pinalakas ng bagyo ay kasama ang mga nasa maturing at reproductive stages, at ang maliit na bahagi ng seedling at vegetative stages.
Hanggang Agosto 9, ang pinsala na nai-report sa lugar ay umaabot sa 9,058 ektarya sa Bago City, kilala bilang rice granary ng Negros Occidental na nagpoprodyus ng halos 25 porsiyento ng local production output.
Noong nagdaang mga buwan, nai-report na ang mga magsasaka sa Negros Occidental ay halos nawalan ng PHP19 million dahil sa pinsala at pagkalugi sa mga pananim dulot ng malakas na pag-ulan at pagbaha dala ng southwest monsoon na sinabayan pa ng Tropical Storm Falcon.
Ipinakita sa final report ng OPA na 1,636 ng rice at corn farmers ang apektado sa 61 barangays ng pitong lokalidad, na may total planted areas na 2,580 ektarya.
Nairekord na ang rice sector ang may pinakamataas na halaga ng pagkalugi na umabot sa PHP17.7 million.
Ang report sa pagkalugi ng corn sector na nagkakahalaga ng halos PHP1.3 million, ay apektado ang 52 magsasaka sa 50.70 ektarya ng taniman sa dalawang barangay sa San Carlos City.
Sa ilalim ng Negros First Universal Crop Insurance Program, sa pakikipag-partner sa Philippine Crop Insurance Corp., puwedeng makinabang ang mga magsasaka ng PHP17,000 bawat ektarya ng napinsalang sakahan.
Ang enrollment premium bawat cropping season ay nasa PHP840 at ang buong halaga ay sasaluhin ng provincial government bilang pautang. PNA
Comments are closed.