HAPPY 104TH ANNIVERSARY SA IGLESIA NI CRISTO!

on the spot- pilipino mirror

BAGO ang lahat ay nais ko munang bumati sa lahat ng kapatiran ng IGLESIA NI CRISTO sa buong mundo ng HAPPY 104TH ANNIVERSARY,  lalo na po sa TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN, SA KAPATID NA ­EDUARDO V. MANALO..  PURIHIN ANG PANGINOONG DIYOS.



Simula na ang best-of-7 titular showdown sa PBA Commissioner’s  Cup ngayong gabi sa Araneta Coliseum sa pagitan ng San Miguel Beer at ng Ginebra. Last year nang mag­harap ang dalawang koponan ay hindi pinatikim ng panalo ng Beermen ang Kings, 4-0. Malaking katanungan ngayon kung makakaisa ba ng panalo ang kampo ni coach Tim Cone sa tropa ni coach Leo Austria.

Tulad ng sabi ni Arwind Santos, bilog ang bola at walang makapagsasabi kung sino ang mananalo o magtsa-champiom as long as ang dalawang team ay lalaban nang parehas. Bagama’t marami ang nagsasabi na malakas ang puwersa ng Beermen dahil sa dalawang higante nila, sa katauhan nina Jun Mar Fajardo at Christian Standhandiger. Pagda­ting sa import ay magsusukatan ng lakas ang dating magka-teammate sa ABL na sina Renaldo Balkman ng SMB at Justine Brownlee ng Brgy. Ginebra. Ang malaking katanungan ngayon sa SMB, maulit kaya nila ang 4-0 sweep o makabawi ang Kings? Kung hindi ako nagkakamali,  ang Commissioner’s Cup na lang ang hindi pa nasusungkit ng mga bataan ni coach Cone. Good luck to both teams!



Mapapansin natin na halos araw-araw ang game ng Maharlika Pilipinas Basketball League. Hatinggabi na rin kung matapos ang laro ng liga. Nag-sisimula ito ng alas-7 ng gabi at natatapos bago mag-alas 12 ng gabi. Wala lang yatang laro ang MPBL tuwing araw ng Linggo dahil ito ang nais ng founder ng liga na si Pambansang Kamao, Senator Manny Pacquiao. Ang Sunday umano ay family day o family bonding kaya no games para sa MPBL.



May bagong career ngayon itong si L.A. Tenorio ng Brgy. Ginebra, ang pagiging anchor niya o TV sports analyst sa NCAA. Napanood ko siya minsan, mahusay mag-anchor, animo ay professional ang mama. Siyempre, magaling si Tenorio dahil galing siya sa Ateneo. Congrats!

Comments are closed.