PARANG kailan lang nang magsimula akong mag-column dito sa PILIPINO Mirror, anim na taon na pala. Ang bilis ng panahon, anniversary na naman ng diyaryo namin na Unang Tabloid sa Negosyo. Sa bumubuo ng PILIPINO Mirror, happy anniversary po sa ating lahat! Nawa’y lalo pang tumagal at magtagumpay ang ating diyaryo. Salamat po sa Diyos!
***
Ano na ang nangyayari sa NLEX Road Warriors? Nakakatatlong sunod na talo na ang tropa ni coach Yeng Guaio. Noong last conference ay maganda ang tinakbo ng team nila ngunit bakit parang humina sila ngayong sa PBA Commissioner’s Cup. Napalitan na nila ang import nila na dalawang beses nagbigay ng talo sa kanila. Sa pangatlong pagkakataon, kahit pa may bagong import ay ‘olat’ pa rin ang NLEX. Sana ay makabangon na ang Road Warriors. Same players pa rin naman sila, maliban kay Kevin Alas na may injury.
***
Magkakaroon ng pa-tryout ang Mandaluyong para sa PBA D-League ngayong alas-9 ng umaga sa RTU gym. Si coach Arlene Rodriguez ang magiging head coach ng team. Sa mga interesado ay tumungo lamang sa RTU gym. ‘Yung mga player na free agent at nakapag-draft na sa D-League ang puwede at may karapatang mag-tryout.
And speaking of Mandaluyong team, si Mac Cuan na ang magiging head coach ng naturang koponan. Tsika naming, limang players ng ALAB Pilipinas ang kukunin para pandagdag sa lakas ng Mandaluyong. Si coach Cuan ang dating head coach ng ALAB na pinalitan ni Jimmy Alapag. Good luck, Mac Cuan!
***
Ang Pasay team naman ay open ang tryout sa May 7 to 12 sa Cuneta Astrodome. Sisimulan ito sa alas-12 ng tanghali. Kaya sa mga nagnanais ma- line up sa team Pasay para sa MPBL league ay tumungo lamang kayo. Si coach Cholo Martin ang head coach ng Pasay, habang si Mr. Joe Ramos naman ang team manager.
Patuloy ang pagdagsa ng nagkakainteres na sumali sa MPBL. Sa kasalukuyan ay may 24 teams na sa liga ni Senator Manny Pacquiao na bagama’t may kamahalan na ang franchise fee na mula sa P600K ay naging P10-M na ay marami pa rin ang humahabol na sumali. Magbubukas ang liga sa Hunyo 12. How true na nagkakaubusan na ng players sa D-League at nagsisipaglipatan na sa MPBL?
***
Happy birthday sa KSKP ng distrito MMN, kay Bro. Joel Palad, at sa aming pastor, kay Bro. Roland Santos, Jr., lokal ng Tandangsora, Caloocan. May you have many more birthdays to come and good health po. Mula sa lahat ng MT po sa TSCC at inyong pamilya, Ka Liza, AJ, Joschua, at sa aming pamilya, Ka Edwin, Ka Malou Auztin Manuel at Zia Aquino.
Comments are closed.