HARAPAN NG PALENGKE BINOMBA, 8 SUGATAN

IED

SULTAN KUDARAT- UMAKYAT sa walo katao ang nasugatan sa pagsabog ng improvised explosive device (IED)  kahapon ng uma­ga sa National Highway ng Kalawag III sa tapat ng palengke sa bayan ng Isulan.

Sa report na ibinahagi ni Police Lt. Col. Joven Bagaygay, hepe ng Isulan Municipal Police Station, itinakbo sa Nazarene Hospital at Sultan Kudarat Provincial Hospital ang walong biktima.

Dalawa na lang sa mga nasugatan ang nananatili sa ospital.

Hinala ng Isulan-PNP, bukod sa akto ng terorismo,  extortion ang isa sa pangunahing motibong tinututukan ng mga imbestigador.

Ayon kay Bagaygay, kasalukuyang nagsasagawa na ng post-blast investigation ang pulisya.

Matatandaang dalawang beses nang pinasabugan ang bayan ng Isulan noong nakaraang taon na nagresulta sa pagkamatay ng ilang sibilyan at ikinasugat ng higit 20 iba pa.

Samantala, mas lalo namang hinigpitan ang seguridad sa bayan. VERLIN RUIZ

One thought on “HARAPAN NG PALENGKE BINOMBA, 8 SUGATAN”

  1. 466957 641765I like what you guys are up too. Such smart work and reporting! Carry on the superb works guys I?ve incorporated you guys to my blogroll. I feel it will improve the value of my web website 143126

Comments are closed.