Ginulantang ang bansa sa mga lindol na bigla-bigla..
Dulot ay napakalawak na pinsala,
At may mga namatay pa nga.
Hindi pa ito ang ‘The Big One’…
Gayunman Marami ang Natutunan.
Ang mga Pagsasanay ay walang kabuluhan…
Kung sadyang Oras na ng paglisan.
Tayong mga Pinalad at ngayon ay nagmumuni…
Bakit buhay pa tayo at Hindi nasawi?
May gagampanan pa kasi sa buhay na nalalabi…
Maging Halimbawa at instrumento
Pagtulong sa kapuwa palagi.
Walang ipagmamalaki Sinoman…
Ano man taglay na yaman at kapangyarihan…
Ito ang katotohanan at mensahe ng Kalikasan.
Sa Lindol na naranasan lahat nawa ay ‘natauhan’.
Tinapik lamang tayo marahil…
Ang Diyos ay nagpapansin.
Marami ang abala man din…
Sa kung paano Kayamanan ay papalaguin.
Huwag nawang kalilimutan
Ang palaging pagdarasal…
Sa Diyos banggitin at iusal
Ano mang pagsamo at kahilingan.
Oo nga at aasenso sa sariling gawa…
Iyan ay kung matibay ang paniniwala..
kasabihang nasa Tao ang Gawa
Nasa Diyos naman awa at pagpapala.
ITULOY LANG PAKIKIHAMOK SA BUHAY NA ITO NA PUNO NG HIWAGA!
(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)
Comments are closed.