HARD GCQ O SOFT MECQ INIREKOMENDA (Bagong COVID-19 cases halos 8K na)

INIREKOMENDA na ng pamunuan ng OCTA research team na magpatupad ng ‘hard general community quarantine’ o ‘soft modified enhanced community quarantine’ ang pamahalaan para mapigil ang nagpapatuloy na pagsirit ng kaso ng COVID-19.

Ito’y para maiwasan ang pagbagsak ng healthcare system ng bansa.

Ayon kay Ranjit Rye ng research group, napakahalaga pa rin ang pagsunod sa umiiral na health protocols kontra COVID-19 gaya ng paghugas ng pagsusuot ng mask, paghuhugas ng kamay maging ang pag-iwas o physical distancing.

Pero paliwanag ni Rye, hindi ito sapat para mapigil ang pagdami ng kaso ng virus.

Kung kaya’t para kay Rye, dapat malimitahan ang paggalaw ng mga tao ngayong nagpapatuloy ang banta ng COVID-19.

Sa pinakahuling ulat ng Department of Health araw ng Linggo ay nasa 7,990 ang bagong kaso ng COVID-19.

597 ang bagong gumaling habang 30 ang nasawi.
Nasa 656,056 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

Comments are closed.