TINIYAK ni PNP Chief General Guillermo Eleazar na handa na ang Philippine National Police (PNP) na magpatupad ng hard lockdown na paiiralin ng IATF para mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID 19 cases sa bansa.
Sinabi ni PNP Chief hindi na bago sa PNP ang quarantine restrictions kaya nakahanda ang pulisya sa anumang ipag-uutos ng IATF at mga lokal na pamahalaan.
Pero umaasa si Eleazar na hindi na aabot pa sa anumang klaseng paghihigpit kung isasapuso lang ng mga Pilipino ang pangangalaga sa personal na kaligtasan ngayong may pandemya.
Una nang sinabi ni Deputy chief implementer of the National Task Force against COVID-19 Vince Dizon na bukas ang National Government sa pagpapatupad ng hard lockdown para maiwasan ang pagkalat pa ng COVID 19 Delta variant na inaprobahan din ng business sector.
Sinabi ni Eleazar na bago pa man ang mga mungkahing ito ay inutos niya na sa lahat ng Police Commanders na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng mga quarantine rules.
Utos rin nito sa mga chief of police na maghanda ng deployment plan para sa kanilang mga tauhan lalo na sa mga lugar na mataas ang kaso ng COVID 19 Delta variant. REA SARMIENTO
161080 194783I recognize there is surely a great deal of spam on this weblog. Do you want support cleansing them up? I may possibly help in between classes! 85971
988919 438652The electronic cigarette uses a battery and a small heating component the vaporize the e-liquid. This vapor can then be inhaled and exhaled 69124
807596 464872Spot on with this write-up, I genuinely assume this website needs considerably far more consideration. Ill probably be once a lot more to read far much more, thanks for that information. 797998
85027 105326hey there i stumbled upon your site looking around the internet. I wanted to tell you I enjoy the appear of items around here. Keep it up will bookmark for confident. 575356