HARD LOCKDOWN NA SA ILOILO CITY

NAGPATUPAD na ng hard lockdown o heightened restrictions ang Iloilo City upang pigilan ang COVID-19 Delta variant.

Epektibo alas-12:01 ng madaling araw ng Agosto 3 ay mahigpit na sa lungsod at magtatagal hanggang alas-11:59 ng hatinggabi ng Agosto 8.

Alinsunod ito sa inaprubahang Executive Order 070 ni Iloilo City Mayor Jerry P. Trenas.

Layunin nito na maagapan ang pagkalat ng COVID-19 Delta variant.

Alinsunod sa nilagdaang executive order ni Trenas, ang kautusan ay maaaring palawigin o pahintuin, depende sa magiging sitwasyon sa lugar at sa mga ospital.

Batay pa rin sa kautusan ni Trenas, dapat higpitan ang galaw ng publiko at ang pahihintulutan ay ang pamimili ng essential goods, at ang mga maaari lang magbiyahe ay mga nagtatrabaho, mga health workers at ang mga magpapabakuna.

“Throughout the implementation of this Executive Order, the movement of all persons shall be limited only to accessing goods and services from permitted establishments, for work in such establishments at a capacity as provided hereafter, for inoculation of COVID-19 vaccines, and for any other activities permitted in this Order,” ayon sa kautusan.

6 thoughts on “HARD LOCKDOWN NA SA ILOILO CITY”

Comments are closed.