ROCKETS BINOMBA ANG KINGS

harden

NAGPAKAWALA si James Harden ng 50-point triple-double,  at naapula ng  Houston Rockets ang hot-shooting Sacramento Kings para sa 119-108  panalo noong Sabado sa Toyota Center.

Naitala ni Harden ang kanyang ika-9 na 50-point game sa season sa pagkamada ng  50 points, 11 rebounds at 10 assists.

Nakakapit ang Rockets sa 101-100 kalama­ngan sa kalagitnaan ng fourth quarter, naisalpak ni Harden ang tatlong free throws,  naipasok ang back-to-back floaters, at nagdagdag ng isang 3-pointer  upang mapalobo ang bentahe sa 111-102.

Naabot ni Harden ang 50 points sa pamamagitan ng dalawang free throws, may 48.8 segundo ang nala­labi. Ang 50-point triple-double ay ika-5 sa kanyang career.

Nagdagdag si Clint Capela ng 24 points at 15 rebounds habang gumawa si Chris Paul ng 22 points at 5 assists para sa Rockets.

Ang Kings ay opis­yal na nasibak sa playoff contention.

MAGIC 121, PACERS 116

Binigyan ni Khem Birch ang bumibisitang Orlando ng kalamangan sa pamamagitan ng dunk sa ikalawang minuto ng fourth quarter tungo sa panalo laban sa  Indiana sa krusyal na laro para sa parehong koponan.

Nanguna si Aaron Gordon para sa Magic na may 23 points, 10 rebounds at 7 assists,  kung saan mahigit sa kalahati ng kanyang points ay nag-mula sa apat na  3-pointers.

Nagbida naman ni Darren Collison para sa Indiana na may 24 points at 9  assists, habang nag-ambag si Bojan Bogdanovic ng 22 points.

76ERS 118, TIMBERWOLVES 109

Tumipa si Tobias Harris ng  25 points, at nagdagdag si Ben Simmons ng 20 points, 11 rebounds at 9 assists upang pangunahan ang bumibisitang Philadelphia laban sa Minnesota.

Kumamada si Jonah Bolden ng career-high 19 points, nagdagdag si JJ Redick ng 16 at nakalikom si Jimmy Butler ng 12 points at 13 rebounds. Gumawa rin si Mike Scott ng 10 points mula sa bench. Hindi naglaro si All-Star center Joel Embiid subalit nagawa pa rin ng Sixers na manalo ng dalawang sunod.

Nanguna si Andrew Wiggins para sa Timberwolves na may 24 points,  habang nag-ambag sina  Karl-Anthony Towns ng 21 at Gorgui Dieng ng 13.

PISTONS 99, TRAIL BLAZERS 90

Pinutol ng kulang sa taong Detroit ang win streak ng Portland sa anim sa pamamagitan ng home victory.

Ang Pistons, uma­ngat sa 39-37,  ay nanalo ng 11 sunod sa home.

Tumirada si Reggie Jackson ng game-high 28 points, at nagdagdag si Andre Drummond ng 22 upang pangunahan ang Detroit.

Bumagsak ang Blazers sa 48-28, kabilang ang 19-19 sa road.

Sa iba pang laro ay nalambat ng Nets ang Celtics, 110-96; pinaso ng Heat ang Knicks, 100-92; tinambakan ng Clippers ang Cavaliers, 132-108; at pinaamo ng Raptors ang Bulls, 124-101.

Comments are closed.