IKINAGULAT ng mundo ang biglaang pagbibitiw ng 47-anyos na hari ng Malaysia na si Sultan Muhammad V.
Hindi isinapubliko ng National Palace ang rason sa pagbibitiw ng hari, ngunit kanilang inanunsiyo na ito ay effective immediately.
Nauna rito ay nagkaroon na ng ispekulasyon sa pribadong buhay ni Muhammad V dahil sa mga ulat na nagpakasal umano ito sa isang Russian national.
Kasunod nito ay nag-medical leave ang hari noong Nobyembre na sinundan naman ng pagkalat ng ilang mga litrato ng sinasabing kasal nito sa dating Miss Moscow na si Oksana Voevodina.
Tumanggi namang magkomento ang Palasyo sa kontrobersiya.
“His majesty tells the people of Malaysia to continue to be united to maintain unity, tolerance, and work together,” ayon sa inilabas na kalatas ng National Palace.
Dagdag pa ng Palasyo, maaari muna siyang manilbihan bilang ‘acting king’ habang pumipili pa ang Council of Rulers ng papalit dito.
Si King Muhammad V ay umupo bilang hari noong Disyembre 2016.
Ito ang unang beses na may mataas na opisyal ng Malaysia ang bumaba sa puwesto simula nang makuha ng bansa ang kanilang kalayaan sa United Kingdom, may 60 taon na ang nakararaan.
Comments are closed.