Haring Bayang Katagalugan, unang malayang Pilipinas

DAHIL naimpluwensyahan ng Freemasony, nag-organisa ang Katipunan ng sarili nitong batas, bureaucratic structure at elective leadership. Nakipag-coordinate ang Supreme Council sa bawat probinsyang kasapi na in charge sa “public administration at military affairs sa supra-municipal o quasi-provincial le­vel” at local councils, na in charge sa affairs ” sa lebel ng distrito o barrio.

Sa mga huling araw ng Agosto, nagkita-kita ang mga miyembro ng Katipunan sa Caloocan at nag-desisyong simulan ang rebolusyon sa event na tinatawag na Cry of Balintawak o Cry of Pugad Lawin. Isang araw matapos ito, nagsagawa sila ng eleksyon.

Ibinulgar ito ni Pío Valenzuela sa mga Espan­yol. Bilang commander-in-chief ng Katipunan, pinangasiwaan ni Bonifacio ang pagpaplano ng military strategies at preparasyon ng mga utos, manifests at decrees, at iba pa.

Ang pangalan ng bansang itinatag nila ay Ha­ring Bayang Katagalugan (“Sovereign Nation of Katagalugan”, o “Sove­reign Tagalog Nation”).  Si Bonifacio ang pangulo ng “Tagalog Republic.” Pinalitan ito ng Repúblika ng Katagalugan kalaunan.

Noong November 1896, habang nagkakampo sa Balara, kinausap ni Bonifacio si Julio Nak­pil na gumawa ng pambansang awit. Nilikha ni Nakpil ang Marangal na Dalit ng Katagalugan (“Honorable Hymn of the Tagalog Nation/People”).

Noong 1897, nagkaroon ng power struggle sa Cavite kung sino ang mamumuno sa rebolus­yon kung saan inililipat ito  kay Emilio Aguinaldo sa Tejeros Convention, kung saan nagkaroon na naman ng bagong gobyerno. Pinatay si Bonifacio nang hindi niya kilalanin ang bagong gobyerno. Ang Republika ng Pilipinas ang kinukunsi­derang     unang Republika ng Pilipinas, na itinatag noong 1899. — LEANNE SPHERE