JUNE 2016 nang buksan ng showbiz couple na sina Harlene at Romnick Sarmenta sa publiko ang kanilang Filipino-themed restaurant na Salu located at 26-B Scout Torillo Corner Scout Fernandez Street, Sacred Heart, Quezon City.
Para makadagdag at mas maging masarap pa ang menu sa kanilang resto ay nag-travel pa sina Romnick at Harlene sa iba’t ibang lugar (from Luzon, Visayas, and Mindanao) at marami raw natutunan ang dalawa. Ilan sa kanilang specialties sa resto ay Binagoongang Lechon Karekare, Adobong Manok Laing, Balbacua, na mula sa sarili nilang ingredients.
Tuwing napapadaan kami sa restong ito ay maraming tao ang kumakain at hindi na kami nagtataka kung dinudumog sila dahil sadyang napakasarap naman talaga ng mga pagkain dito.
Tumatanggap pala ang Salu Resto ng mga event na tulad ng birthday, baptismal, party, presscon, atbp.
NEW RECORDING ARTIST CHINO ROMERO POPULAR NA SA YOUTUBE CHANNEL
MAY good news ang bagong male singer youtube sensation na si Chino Romero para sa lahat ng kanyang fans and supporters all over the world. Ayon kay Chino, gusto niyang bigyan ng kasiyahan ang lahat ng mga nagmamahal at humahanga sa kanyang talento kaya naman sa pamamagitan ng kanyang sariling channel sa YouTube ay puwede nang mag-download ng libre ang fans ng kanyang mahigit 1,000 recorded songs.
“Good news, you can now download free and share all my new and old which is more than 1,000 songs on my YouTube Channel Chino Romero. You can also watch my Smule Songs with great singers around the world on your Smart TV You can chat with me in my YouTube chatroom, just simply subscribe on my YouTube Channel Chino Romero,” sunod-sunod pang imbitasyon ni Chino na masaya dahil sa patuloy na pamamayagpag niya sa nangungunang Online Sing-Along na SMULE l. Ang sariling komposisyon na “CHATMATE KO,” na hindi lang ang kanyang version ang popular na may more than 7M views niya kundi maging ang bersiyon ng daughter nitong young artist na si Mikaela Bautista na humamig na ng 2.2 million views.
RYZZA MAE MAY “SISSY” SA BOSS MADAM SA BARANGAY JOKERS
ANG Ist Pinay winner ng Asia’s Next Top Model na si Maureen Wroblewitz ang bagong pantasya at kinaiinlaban ng millennial boys. And we heard, dahil sa lakas ng dating ni Maureen na diyosa talaga ng kagandahan ay kukunin siya ng Tape Incorporated para maging parte ng Eat Bulaga at ilagay sa sikat na segment ng no.1 noontime variety show na Barangay Jokers at magiging karakter daw ng modelo ay younger sister siya ni Boss Mad-am ang popular na character ni Ryzza Mae Dizon. Naku, sana naman ay huwag pagselosan ng AlDub si Maureen kapag natuloy nga ang pagpasok nito sa Boss Madam kung saan parte sa said segment si Alden Richards.
Comments are closed.