HARLENE BAUTISTA NATUTUPAD NA ANG WISH NG AMANG DIREKTOR

HARLENE BAUTISTA

MUKHANG college student  lang ang porma ni Harlene Bautista nu’ng makatsikahan namin siya reflectionsa  grand presscon ng 5th Sinag Maynila para sa announcement ng limang official entries para sa full length, documentary and short film categories.

Napili ang kauna-unahang short film na dinirek niya na pinamagatang “Kiss” sa 5th Sinag Maynila. Siyempre excited si Harlene na nakapasok ang short film niya. Feeling daw niya legit na legit na legit na ang dating n’ya bilang direktor.

“Certified director? Hahaha! Happy ako kasi natupad ko ang pangarap ni Papa. Kasi nu’ng buhay pa siya palagi niyang sina­sabi, ‘Mag-direk ka na.’ ‘Ay, ayoko.’ Dream niya maging next Marilou Diaz- Abaya ako, next Laurice Guillen, ‘yun ‘yung ang gusto niya. ‘Yan ‘yung ang mga sinasabi niya noon like sina Direk Mitos Villareal?  Basta lahat ng female directors gusto niya na maging ako,” lahad niya.

Kuwento pa ni Harlene, “So, sabi ko, ‘Hindi ko kaya ‘yun.’ ‘Kaya mo ‘yan,’ ganoon siya ng ganoon. Kahit nu’ng nasa ospital na siya.  ‘Yun ‘yung dream niya talaga. So, happy ako na kahit short film lang, natupad ko ang pangarap niya.”

Sa kabila nito, aminado si Harlene na ‘di pa siya ready to direct a full length movie. Mga ilang short films pa raw ang kailangan niyang gawin bago siya sumabak sa pagdi-direk ng full length film.

Balik-akting na rin si Harlene after two years. Kagagaling daw niya sa shooting ng pelikulang “Write About Love” mula sa TBA Studios. Nanay ni Yeng Constantino ang role ni Harlene sa movie.

Hindi na raw niya matandaan ang last movie na ginawa niya bilang aktres,  Pero lumabas siya sa isang episode sa TV program ni Brillante Mendoza sa TV5 two years ago kung saan nakasama niya si Romnick.

Nakatutuwa naman si Harlene kasi siya lang ata ang artistang kilala namin na nagpro-produce, nagdi-direk at umaarte, all at the same time.

“Wow, why not? Kung kaya go. Go ng go hangga’t kaya.”

After ng successful movie nila last Metro Manila filmfest na “Rainbow Sunset,” may kasunod na raw silang project na ipo-produce.

Ilan sa finalists na kasama ng short film ni Harlene at ang “Bisperas” ni Ralph Quincena, “Memories of the Rising Sun” ni Lawrence Fajardo, “Nagmamahal Sal” ni Jeff Subrabas, “Panaghoy” ni Alvin Baloloy at ang “Ngiti ni Nazareno” ni Louie Ignacio.

Magsisimula ang Sinag Maynila sa April 3 at ang opening film ay ang three-part omnibus filma na “Lakbayan” na idinirek nina Briallante Mendoza, Lav Diaz at ang National Artist for film na si Kidlat Tahimik. Festival proper will be on April 4, Thursday sa mga sinehan sa Metro Manila.

MAY BAGONG INSPIRASYON

SA USAPING personal naman, may kumalat na balitang may bago ng inspirasyon si Harlene Bautista. Dating member din ‘yung guy sa youth-oriented show ni German Morano noon na That’s Entertainment.

Feeling ni Harlene lumabas ang isyu na taga-That’s ang bago niyang karelasyon dahil ‘yun ang pinakamadaling maisip na i-link sa kanya.

“Kasi siyempre, may mga nakalabtim ako dati ‘di ba? So, I think ‘yun lang ‘yun.

Kasi, unless maisip nila na nagbalikan kami ni Direk Rico Gutierrez, puwede rin? Why not? O, sino pa? Ako na ang magsasabi. Hahaha!”

Deserved naman ni Harlene her own happiness since lantad na ang ex-husband niya na si Romnick Sarmenta sa bago nitong karelasyon.

“Good,” diin ni Harlene. “Good for him.”

Nag-file na raw si Harlene para sa annulment nila ni Romnick. Okey naman daw ang naging usad ng kasong isinumite niya sa korte.

Comments are closed.