UMAASA si Brooke Van Sickle ng PetroGazz na madala ang kanyang solid showing sa PNVF Champions League sa PVL All-Filipino Conference. PNVF PHOTO
Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
4 p.m. – PetroGazz vs SGA
6 p.m. – Chery Tiggo vs Capital1
SISIKAPIN ng debutants Strong Group Athletics at Capital1 na maging kumpetitibo sa kanilang Premier Volleyball League All-Filipino Conference opener laban sa seasoned clubs ngayon sa Philsports Arena.
Makakaharap ng SGA ang two-time Reinforced Conference champion PetroGazz sa alas-4 ng hapon, habang mapapalaban ang Solar Spikers sa Chery Tiggo sa alas-6 ng gabi.
Ang SGA ang pumalit sa cash-strapped Gerflor club habang pinunan ng Capital1 ang puwesto na iniwan ng F2 Logistics, na nabuwag na noong nakaraang taon.
Nabuo dalawang linggo pa lamang ang nakalilipas, ang SGA ay inaasahang mahihirapan sa Angels, na galing sa tagumpay sa PNVF Champions’ League.
“As this is our inaugural conference, we encourage everyone to temper expectations,” ang post ng koponan sa kanilang social media accounts kahapon ng hapon.
“The primary goal of the Strong Group Athletics players is to make a lasting impression and get noticed for the PVL Draft. It’s important to note that SGA will not have the right of first refusal for the players after the conference since this is a collaboration with the PVL.”
Ang SGA roster ay sumailalim sa “Player Selection Process” na pinamunuan nina team consultant Jerry Yee at coach Onyok Getigan ngayong buwan at nakabuo ng pinaghalong veteran players sa pangunguna ni Lilet Mabbayad at young talents, sa pamumuno ni Dolly Verzosa.
Pag-aari ng magkapatid na Mandy at Milka Romero, ang Solar Spikers ay tinatampukan din ng pinagsamang experienced players at rising starts na determinadong ipakita na karapat-dapat sila sa PVL.
Sa ilalim ng gabay ni multi-titled coach Roger Gorayeb, ang Capital1 ay naghihinay-hinay.
“We are not in a hurry, we take it one step at a time until we build a winning culture. That’s our goal,” sabi ni Milka Romero, dating Ateneo women’s football team captain.
Pangungunahan nina Jorelle Singh at Aiko Urdas, naglaro sa ilalim ng pinakahuling PVL club ni Gorayeb, ang PLDT, tatlong taon na ang nakalilipas, ang Solar Spikers.
“I do not promise na malaking-malaki kaagad. We’ll do it slowly. Basta lang ayokong magsalita ng tapos. They took me in based on my experience, yung track record ko, gagamitin ko yun,” ani Gorayeb.
Habang hinihintay si MJ Phillips, na darating makaraang matapos niya ang kanyang duties sa South Korea, ang PetroGazz ay palalakasin ni Fil-Am hitter Brooke Van Sickle.
“For me, I just want to be as consistent as possible. I think that will hopefully be my role. I want to be there for my teammates,” sabi ni Van Sickle, na sinamahan ang Angels noong nakaraang buwan.
“They have my back. I want to be able to have their backs and the chemistry that we’re already building, and the relationships that we’re building,” dagdag pa niya.
Nagbabalik din si Myla Pablo sa PetroGazz, na kinuha si Japanese coach Koji Tsuzurabara at hinirang si charismatic middle blocker Remy Palma bilang bagong skipper.
Pinalakas din ng Crossovers, ang 2021 Open Conference champion, ang kanilang lineup sa pagkuha kina dating Cargo Movers Ara Galang at Aby Maraño.
Inaasahang gaganap sina Mylene Paat, Shaya Adorador at ang magkapatid na EJ at Eya Laure ng key roles para sa Chery Tiggo, kasama si Joyme Cagande na papalit kina injured setters Jasmine Nabor at Alina Bicar.