HATCHBACKS PUWEDE NANG BUMIYAHE

HATCHBACKS

INATASAN ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipatupad ang Memorandum Circular (MC) No. 2018-005 na nagpapahintulot sa hatchback units na mag-operate bilang  public transport, su­balit may kaakibat na ilang kondisyon.

Ang kautusan ni Tugade ay makaraang marinig ang mga pa­liwanag mula sa mga opisyal ng transportasyon at stakeholders.

“Implement the existing MC until such time that the same is modified and/or amended. Kung kailangang baguhin ang ilang dokumento, baguhin. Kung kailangang i-improve, dapat i-improve,” pahayag ni Tugade.

Sa ilalim ng  MC 2018-005, ang lahat ng ‘accredited hatchback units’ ay pinapayagang mag-operate bilang public transport subalit ito ay sa transi-tion period na tatlong taon sa Metro Manila lamang at hindi sila maaaring maningil ng malaki sa kanilang mga pasahero.

Ang 55,000 hatchback units na kabilang lamang sa masterlist na nakapagsumite ng aplikasyon mula March 5 hanggang December 15, 2018 ang maaaring mabenepisyuhan ng MC 2018-005.

Ayon naman ka  DOTr Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Mark Richmund de Leon, kailangang amyendahan ng LTFRB ang MC upang payagan ang permanenteng klasipikasyon ng  hatchbacks bilang  TNVS units, at re-enlist TNVS units na kanilang tinanggal sa masterlist.

“In bigger metropolitan areas like London and Tokyo, hatchbacks are allowed to operate as public transport. If first world countries and cities allow it, why can’t we? These vehicles are more fuel-efficient and, thus, are good for the environment,” dagdag pa ng kalihim.              BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.