HATID AY MATAMIS NA NGITI SA MGA BIKTIMA NG BULKANG TAAL

Glorious Pass It On Foundation Inc

(nina Edwin Cabrera at Cris Galit)

Glorious Pass It On Foundation Inc-4ANG PAGTULONG, malaki man o maliit, basta’t maipadama at ­makapagbi­bigay ito ng ­kasiyahan sa mga taong nasa dagok ng trahedya ay isang hindi matata­warang gawain sa ating kapwa.

Nang biglang  pumutok at nagbuga ng “ashfall” ang Bulkang Taal, maraming residente ang apektado at binalot ng takot kaya agaran ang kanilang paglikas sa kanilang mga tahanan. Nakatatakot ang dalang hatid ng sulfur mula sa bulkan.

Glorious Pass It On Foundation Inc-2Ngunit sa mga ganitong pagkakataon, nai­pamamalas ng ating mga kababayan ang pag-aalala at pagtulong. Marami agad ang sumugod sa mga evacuation center — mapa-individual man, public at private organizations – para mag-abot ng kaunting tulong.

Sa kabila ng trahed­yang hatid ng Bulkang Taal, nakatutuwa pa ring isipin na nagkakaisa tayo pagdating sa ganitong mga sitwasyon para dumamay.

Glorious Pass It On Foundation Inc-5Isa nga sa nagbigay ng tulong ang Glorious Pass It On Foundation, Inc. para makapaghatid ng ngiti sa bawat labi ng ating mga kababayang apektado ng nag-alborotong bulkan.

Bukod sa mga produkto ng Glorious Industrial Development Corporation (GIDC) tulad ng Glorious Blend 3in1 Coffee, Stevia Bar Soap, Stevia Shampoo at nakalikom din sila ng iba’t ibang gamit mula sa kanilang mga empleyado na ipinamahagi sa evacuation centers sa Batangas.

Masaya naman si Philip­pine “Stevia Queen” Mrs. Maura De Leon, ow­ner ng GIDC, na nakapag­bigay sila ng kaunting tulong sa mga residenteng labis na naapektuhan ng pagsabog ng Taal.

Glorious Pass It On Foundation Inc-3Tulad ng GIDC na committed sa paghahatid ng mataas na kalidad na mga produkto para masi­guro ang kaligtasan ng lahat ng kanilang customer sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na ino­basyon at pangu­nguna sa market.

Dahil natural na pampatamis ang kanilang pangu­nahing produkto na stevia, nais din nilang makapaghatid ng matamis na ngiti sa komunidad para magkaroon ng sapat na kita, tulong edukasyon, pangangalaga sa kalusugan at dagdag na kaalaman para maiangat ang kalidad ng buhay.

Glorious Pass It On Foundation Inc-6Sa mundo kung saan hindi nawawala ang negatibong reaksiyon pagdating sa pagtulong lalo na kung ibinabalandra pa ito sa social media, ngunit anuman ang sabihin ng iba, ang mahalaga pa rin dito ay mayroon kang naibahagi na maluwag sa iyong kalooban.

Sa ngayon, ibinaba na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismo­logy (Phivolcs) sa alert level 3 pero mayroon pa ring pagbuga ng usok na nakikita sa bukana ng bulkan. Hindi pa rin tayo dapat maging kampante at laging maging alerto.

Comments are closed.