SYRIA – GUILTY ang hatol ng Syrian District Criminal Court sa kanilang kababayan na pumatay sa Filipina domestic helper na si Joana Demafelis.
Si Demafelis ay natagpuan sa loob ng isang freezer sa abandonadong apartment sa Kuwait noong isang taon, ilang buwan makaraan siyang paslangin ng among si Mouna Ali Hassoun.
Kinasuhan din ang asawa ni Mouna na isang Lebanese na si Nader Essam Assaf.
Taong 2014 nang magtungo si Demafelis sa Kuwait upang mamasukan bilang domestic helper at taong 2016 nang mapaulat na nawawala ito hanggang matagpuan ang kanyang labi sa freezer sa inabandonang apartment noong Pebrero 2018.
Tumakas ang mag-asawa sa kasagsagan ng ulat na nawawala si Demafelis.
Noong nakaraang taon naibalik sa Filipinas ang labi ni Demafelis. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.