HAWAHAN NG COVID-19, BUMIBILIS -OCTA

UNTI-UNTING bumibilis ang hawahan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Ito ang sinabi ng OCTA Research Group nang tumaas pa sa 1.15 ang COVID-19 reproduction number sa NCR nang makapasok sa bansa ang COVID- 19 Delta variant.

Ayon kay Professor David Guido ng OCTA Research Group, masasabing mabilis ang hawahan ng COVID- 19 kapag mas mataas sa isa ang reproduction number.

“Iyang reproduction number, iyan ang nagsasabi gaano kabilis ang hawahan. Kapag more than one, ibig sabihin mas mabilis na siya… bumibilis siya. ‘Pag less than one, it means bumabagal siya,” ani David sa isang panayam.

Aniya, kung magpapatuloy ang ganitong pagtaas ng kaso ng virus, maaaring sumipa sa 10,000 ang kaso ng COVID-19 sa ating bansa sa darating na mga linggo dahil sa Delta variant.
Nitong Martes ay umaabot sa 1.06 ang reproduction number ng virus, habang nasa 1.08 nitong Miyerkoles at ngayong Huwebes ay nasa 1.15.

“Yesterday’s number na 6,000 mataas iyan, we are expecting na more than 8,000. It means na tumataas na ang cases, we might see 10,000 by next week or next, next week,” ayon pa kay David.

Sinabi pa ni David, ang reproduction number sa pagitan ng 0.9 hanggang 1.1 ay ikinokonsiderang moderate at-risk at kapag mataas sa 1.1 ay ikinukonsiderang high risk.

“Sa report 1.06. Ngayon kasi tumaas na ulit, 1.15 na siya…Ibig sabihin nasa high risk na ‘yon, ibig sabihin nasa high risk na ang NCR sa reproduction number,” paliwanag pa ni David.

Ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay naitala nang makapasok ang Delta variant sa bansa. BENEDICT ABAYGAR, JR.

101 thoughts on “HAWAHAN NG COVID-19, BUMIBILIS -OCTA”

  1. 615572 738092Up to now, you demand to term of hire an absolute truck or van and will also be removal equipments to valuable items plus have a look at the new destination. From the long run, which finish up with are few issues except anxiety moreover stress and anxiety. removals stockport 624961

Comments are closed.