PATULOY na bumababa ang reproduction number o hawahan ng COVID-19 sa National Capital Region ngayong ito ay naka-alert level 4.
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research group, nasa 0.97 na lamang ang reproduction number sa araw Biyernes, Setyembre 24, kumpara sa 0.99 reproduction number sa araw ng Huwebes.
Nakasaad pa sa report ng OCTA na sa less than 1 na lamang ang reproduction number sa 13 local government units sa NCR.
Ang Navotas ang nakapagtala ng pinakamababang reproduction number na mayroong 0.57.
Samantala, pumalo na sa 231.40 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, nasa kabuuang 231,400,513 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 43,532,306 cases.
Sumunod ang India na may 33,594,803 cases.
Nasa 21,308,178 cases sa Brazil habang 7,565,867 cases sa United Kingdom.
Sumunod ay Russia – 7,354,995, France – 6,977,722, Turkey – 6,960,297, Iran – 5,493,591, Argentina – 5,246,998, Colombia – 4,946,811, Spain – 4,943,855, Italy – 4,649,906, Indonesia – 4,201,559, Germany – 4,185,633, Mexico – 3,608,976.
Lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,742,794 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Iniulat naman na 208,082,596 ang total recoveries ng COVID-19 sa buong mundo.PMRT
318607 407475Hey there. I want to to ask just a little somethingis this a wordpress internet log as we are preparing to be transferring over to WP. In addition did you make this template all by yourself? Many thanks. 802193