UMISKOR si Jalen Brunson ng 21 points, nag-ambag si RJ Barrett ng 19 at nalimitahan ng New York Knicks ang Cleveland Cavaliers sa lowest point total sa NBA ngayong season para sa 99-79 panalo at 2-1 lead sa kanilang first-round playoff series Biyernes ng gabi.
Bumawi ang Knicks mula sa pagkatalo sa Game 2 at lumapit ng dalawang hakbang sa kanilang unang series victory magmula noong 2013. Umabante sila ng hanggang 27 points sa fourth quarter.
Nagdagdag si Josh Hart ng 13 points para sa fifth-seeded Knicks, na magiging hosts sa Game 4 sa Linggo. Sila ang unang koponan na pinayagan ang mas mababa sa 80 points sa regular season o postseason.
Kumabig si Donovan Mitchell ng 22 points para sa Cavs, na hindi binigyan ng pagkakataon ang kanilang sarili sa kanilang pinakamalamyang offensive performance sa season. Hindin pa sila nalilimitahan sa below 80 points sa buong season, ang kanilang worst effort ay 81 points, sa Knicks din noong Dec. 4.
HAWKS 130, CELTICS 122
Nagbuhos si Trae Young ng 32 points sa kanyang pinakamagandang laro sa playoffs nang pataubin ng Atlanta ang Boston para tapyasin ang deficit sa 2-1 sa Eastern Conference series.
Isinalpak ni Young ang isang step-back 3-pointer mula sa corner, may 2:21 ang nalalabi, at ipinasok ang isa pang malaking basket sa floater sa lane, may 45 segundo ang nalalabi makaraang magmintis si Jaylen Brown sa 3-pointer na nagtabla sana sa talaan.
Sisikapin ng seventh-seeded Hawks na maitabla ang series kontra second-seeded Celtics sa Game 4 sa Linggo ng gabi sa State Farm Arena.
Nanguna si Jayson Tatum para sa Celtics na may 29 points, 10 rebounds at 5 assists. Tumapos si Marcus Smart na may 24 points, 8 assists at 3 steals, at umiskor si Malcolm Brogdon ng 17 points.
NUGGETS 120, TIMBERWOLVES 111
Nagsalansan si Nikola Jokic ng 20 points, 11 rebounds at 12 assists para sa kanyang ika-7 career playoff triple-double at pinataob ng Denver ang Minnesota upang kunin ang 3-0 lead sa Western Conference series.
Kumabig si Michael Porter Jr. ng 25 points at 9 rebounds at nagdagdag si Jamal Murray ng 18 points at 9 assists para sa Denver.
Nagtala si Anthony Edwards ng 36 points para sa Minnesota. Nakatakda ang Game 4 sa Linggo ng gabi sa Minneapolis.