HAZARD DUTY PAY SA HEALTH WORKERS APRUB KAY DUTERTE

PRES DUTERTE

INAPRUBAHAN kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalabas ng hazard duty pay at  special risk allowance sa mga health worker na nasa frontlines sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Sa ilalim ng Administrative Order 35, ang national government agencies, state-run corpora-tions at  local government units ay awtorisadong magkaloob ng active hazard duty pay na hang-gang P3,000 kada buwan sa frontline human resources for health (HRHs) at libre ito sa buwis.

Ang  incentive ay pro-rated base sa bilang ng mga araw na pisikal na nag-report sa trabaho ang isang health worker, mula Setyembre 15 hanggang Disyembre 19.

Nilagdaan din ng Pangulo ang administrative order 36, na nagkakaloob ng hanggang P5,000 monthly ‘special risk allowance’ para sa private at public health workers, na direktang nagser-bisyo o nagkaroon ng contact sa COVID-19 patients, na libre rin sa buwis.

“There is a need to recognize the heroic and invaluable contributions of our public health workers throughout the country, who bravely and unselfishly risk their lives and health by being at the forefront of the national effort to address the public health emergency,” nakasaad sa kautusan ni Duterte.

Ang parehong incentives ay huhugutin sa inilaang P13.5 billion mula sa  Bayanihan to Recover As One Act para sa health-related initiatives laban sa pandemya.

Comments are closed.