NANAWAGAN ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na bigyan ng hazard pay ang mga empleyado ng barangay ngayong may pandemya.
Paliwanag ni DILG Undersecretary Martin Dino, nagsisilbi ring mga frontliner ang mga barangay worker dahil nalalagay rin sa alanganin ang kanilang mga kalusugan.
Ayon kay Dino, nasa mahigit 1,000 barangay workers na rin ang tinamaan ng COVID-19 sa buong bansa at 500 na sa kanila ang nasawi.
Aminado naman ang kalihim na malaki ang pagkukulang ng national government sa mga empleyado ng barangay. DWIZ 882
Comments are closed.