HINDI papayagang makapasok sa bansa ang hazardous materials, ito ang mariing pahayag ng pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) upang maprotektahan ang mga tao at kapaligiran.
Ayon kay Customs Commissiner Rey Leonardo Guerrero, hihigpitan niya ang mga nasabing ipinagbabawal na kargamento bilang pagsunod sa kautusan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Administrative Order (DAO) No. 22 series of 2013 o tinatawag na Revised Procedures and Standard for Management of Hazardous Waste.
Kasama sa ipinagbabawal maiparating sa bansa ang phosphogypsum na hindi nakasama sa listahan ng mga recyclable material na sinasabing hindi puwedeng makapasok sa Filipinas.
Ayon sa sulat na ipinadala ng Environment Management Bureau (EMB) kay Bureau of Customs (BOC) Director Metodio U. Turbella, ang phosphogypsum ay isang radioactive dahil mayroon itong naturally occurring radioactive elements.
Lilimitahan ng BOC ang importasyon ng recyclable materials (scrap metals) na mayroong dalang radioactive materials katulad ng phosphogypsum na tinatawag na waste per se.
Agad namang pinag-utos ni Guerrero sa kanyang mga tauhan na huwag payagan ang mga importer na magparating ng phosphogypsum at sa halip ay pabalikin sa kanilang port of origin. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.