HDO AT ARESTO VS TRILLANES

SEN-TRILLANES

DAPAT pa ring resolbahin ng Makati Regional Trial Court ang petisyon na inihain ng Department of Justice (DOJ) laban kay Senador Antonio Trillanes IV kahit nagpasaklolo sa Korte Suprema ang senador.

Ito ang iginiit ni Justice Secretary Menardo Guevarra kaugnay ng inihaing mosyon ng DOJ sa Makati RTC para sa pagpapalabas ng hold departure order at warrant of arrest laban kay Trillanes.

Aniya, hanggang walang ipinapalabas na temporary restraining order ang Korte Suprema ay walang dahilan para hindi aksiyunan ng mababang korte ang kanilang mosyon.

Si Trillanes ay nahaharap sa kasong kudeta at rebelyon.

Nauna nang nagtakda ang Makati RTC Branch ng 148 pagdinig sa Set­yembre 13 para talakayin ang kahilingan ng DOJ.

Nakabinbin na sa Korte Suprema ang petisyong inihain ni Trillanes kung saan hiniling niya na pigilan ang pagpapatupad ng nilalaman ng Proclamation 572 na nag-aatas sa Department of Justice at sa Court Martial ng AFP na isulong ang administratibo at kriminal na mga kaso laban sa kanya, at gawin ang lahat ng legal na pa­raan para siya ay maibalik sa kulungan at maiharap sa paglilitis.

Hiniling din ng senador na ideklara ng Kataas-taasang Hukuman na “null and void ab initio” ang Proclamation No. 572. TERESA CARLOS

Comments are closed.