HEALING PRIEST FR. FERNANDO SUAREZ PUMANAW SA EDAD NA 53

Fernando Suarez

MUNTINLUPA CITY – NAG-COLLAPSE saka namatay si Fr. Suarez  habang naglalaro ng tennis sa isang clubhouse kahapon ng umaga sa Alabang, Muntinlupa City.

Ang pagkamatay ni Suarez ay kinumpirma ng kanyang tagapagsalita na si Deedee Siytangco.

Naisugod pa ito sa Asian Hospital subalit pumanaw rin habang wala pang detalye kung ano ang tunay na sanhi ng kamatayan ng healing priest na tatlong araw pa lamang nakapagdiriwang ng kanyang ika-53 kaarawan.

Si Suarez, ay kilalang tennis enthusiast, ay kalahok sa annual tennis tournaments for priests sa loob ng ilang araw.

Kamakailan lamang ay naabsuwelto si Suarez sa sexual harassment charge at kanya nang binubuhay ang kanyang healing ministry. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.