HEALING PRIEST INABSUWELTO NG VATICAN

Fernando Suarez

INABSUWELTO  ng Vatican ang kontrobersiyal na “healing” priest na si Fr. Fernando Suarez sa alegasyong pangmomolestiya ng  mga minor.

Sa isang decree of notification na may petsang Enero 6, 202- na inilabas ng Catholic Bishops Conference of the Philippines’ (CBCP) National Tribunal of Appeals, ipinagbigay alam na si Fr. Suarez ay ginawaran ng “not guilty” decision ng Congregation for the Doctrine of the Faith ng Vatican.

Nilagdaan ang dokumento  ni  National Tribunal of Appeals Judicial Vicar and retired Bishop Antonio Tobias.

Ang notification ay inilabas din sa Facebook page ng Missionaries of Mary Mother of the Poor (MMMP). Kilala si Suarez bilang founder  nito.

Nakasaad sa dokumento na si Fr. Suarez ay:  “falsely accused of the crimes and, therefore, nothing now stands in the way for him to exercise his healing ministry, provided it is done properly in coordination with the ecclesiastical authority of every ecclesiastical jurisdiction.”

Comments are closed.